MALAYA SA BUKID - FILIPINO POETRY
MALAYA SA BUKID
Aking haharapin ang bungkaling lupa,
Ang sipag ko' y dito handang isagawa;
Ibig ko ang uring paggawang malaya,
Sa banos ng bukid ay maibandila.
Balak ko'y magtayo ng kubong matibay
Sa may dakong tabi ng sapang isdaan;
May balak din akong dito'y mag-itikan
Habang ako'y wiling bukid ang tirahan.
Mawiwili akong hawakan ang igit
Ng isang ararong pambungkal sa bukid;
Ibig kong saksihang ang paggawa'y sulit
Kapagkat binatak ang buso't ang bisig.
Magagamayan kong magsakang parati
Kaysa mamasukang may among kawani;
Sa pagbubukid ko'y sagisag Ang pawis
Na ang hari'y ako sa aking sarili.
Aking haharapin ang bungkaling lupa
Ang sipag ko'y dito handang isagawa;
Ibig kong ang uring paggawang malaya,
Sa banos ng bukid ay maibandila
Inyong amigo: @aaronplando